Pages

Wednesday, September 1, 2010

Pabula

Ito ay likha lamang /ng ating guniguni

sa kabila ng lahat /itoy di mangyayari

Karaniway ang hayop/ ang gumaganap dito

Minsay sinasamahan/ ng karaniwang tao



Ang mga kwentong itoy /sa kanila ay batid

sa mga batang isip/ kaalaman ang hatid

katulad ng pilandok/ na muntik ng mapiit

dahil sa mga taong /ditoy galit na galit



Ito ay panitikan /na tawag din ay kata

Kung ating babasahin /itong kwentong pabula

Na may kababalaghan /at kwento ring masaya

Kapupulutang aral/ng mga munting bata



Ang layuning pabula/ magpasaya ay likas

Sapagkat nag-aangking /kariktang walang kupas

Kung siya ay lilikha may akday tinitiyak

Kapag itoy nabasa /sa isip ay tatatak



Itong uring salaysay /ipag ukol sa bata

Upang ang kaisipan/ ay palawaking kusa

Kahit itoy katha lang /itong uring pabula

Pagyamaning nilikha/ ang paraang mabisa



Dapat pag ibayuhin /ang kalamang hatid

Ang lahat ng salita /na kaloob ng langit

Sa kwentong lumilikha/ salita syang naggawad

Nararapat syay /tawaging isang huwad



Kung tayo ay kakatha/ ng sariling pabula

Ating itong alamin/ mga tamang pag gawa

Upang ang kaalamay/ iparating sa bata

Kalulugdan ngmadla/ ang sariling nilikha



Kung ating pakikigan/ itong kwentong salaysay

Kahit kathang isip lang /itoy ay parang tunay

Mga kwentong nilikha/ katulad o kabagay

Ang mga kadungay/ sa atiy ibinigay









atin itong ihandog /mga munting pabula

upang sa mga bata /ay mag bigay ng tuwa

tayoy mag pasalamat/ sa lahat ng biyaya

ang pabulang nilikhay/ tunay na mahiwaga



tulad ng mga wika /na dapat tangkilikin

itong kwentong pabula/ nakaloob sa atin

ang nilalaman nito/ tayo ay pasayahin

ating pagibayuhin/ at itoy pag yamanin

No comments:

Post a Comment